Ano nga ba ang Alamat?
Ang alamat ay isang uri ng panitikan at kwentong bayan na nagsasaad ng mga kwento ukol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay na maari nating makita sa ating daigdig. Ito ay kadalasang nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa mga tunay na tao at pook at mayroong mga pinagbatayan sa kasaysayan. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalinsalin sa bibig ng mga taong bayan kung kaya't hindi matukoy ang may akda nito.
Ang mga kwento ay tiyak kapupulutan ng aral at ito rin ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.
Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles
Halimbawa
* Alamat ng Pinya *Alamat ng Sampaguita
* Alamat ng Macopa *Alamat ng Maya
* Alamat ng Makahiya * Alamat ng Duryan
Alamat ni Maria Makiling
Noong unang panahon, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay mahiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga
tao. Si Maria ay kaisang-isang anak
nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na pawang isang bathala o engkantado. Dahil
kaisa- isang anak nila si Maria kung kaya’t siya ang nagbibigay liwanag sa buhay ng
mga ito at kayamanang impok ng kanilang buhay. Si Maria’y hindi taga-lupa,ngunit
siya’y nakikisalamuha sa mga madla. May taglay na di matatawarang ganda si Maria na kahit ang mga dalaga ay mistulang nahihiyang bumati sakanya at ang mga lalaki naman ay ginagalang ang kagandahan niya.
Dalawang katulong na Aeta ang
lagi niyang kasama pagpunta satalipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo ng luya na
ipinagpa-palit ni Mariang
Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay
palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig , at sutla.
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat
Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai,
upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan”
nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat
Dula sa “pagtawad” sa isang
piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang
kanilang mga balikat, at
nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dulaang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay an
Bilang hindi ng paumanhin,
yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at
tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Marianang maghiwalay sila. Mula nuon,
madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang
Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa
bahay at tumutulong sa mga tao.
Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman
ng mga diwata ang tumulong sa mga tao
.
.
Isa pang dahilan na hindi na nagkita muli sina Gat Dula at si Maria Makiling ay dahil siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata at hindi
maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Historical
Si Maria Makiling ay tila hango sa bundok ng Makiling na matatagpuan sa Laguna. Ito ang nagsisilbing tagabantay ng lugar at kung sino man ang sumubok na gumambala ay siyang mananagot sa tagabantay.
2. Scientific
Marami nang mga kaso ang nakalap na di umanong nadisgrasya sa bundok na ito.
ang alitang
Maria ay madalas na pangalan ng mga kababaihan sa Pilipinas at ang Makiling naman ay (uneven) di pantay.
3. Ang aral na maari nating matutunan sa story ni Makiling ay ang pagging responsable sa ating mga ginagawa. Ang pagkakakroon ng isang tapat at busilak na puso. Siya ay larawan ng pagmamahal kung kaya't dapat natin tularan ang mga magagandang asal na mayroon siya. Dahil siya rin ang tagapag alaga ng kagubatan mas mabuti din na alagaan natin ang ating kalikasan dahil ito ay ating tirahan. Maaring totoo o hindi ang kwentong ito ngunit dapat nating pahalagahan ang aral na ating natutunan.
4. Totoo na hindi natin maaring pagsamahin ang mga bagay na magkaiba. Maari nating mahalin ang mga bagay pero kahit kailan hindi natin ito pwedeng pagsamahin. Totoo din na may mga taong mas inuuna ang kanilang responsibilidad kaysa sa kahit ano mang bagay na kahit ang pansariling kaligayahan ay mistulang naibabaon sa limot. Maihahalintulad natin ito sa ating mga magulang na mas pinipili nilang isa alang alang ang kagustuhan ng kanilang mga mahal kaysa sa kanilang pansariling kasiyahan. Ang pagmamahal ay kailan man hindi nakakalimot.
5. Kailangan natin ng mga Alamat at iba pang mga kwneto dahil ito ay nakakapag bigay buhay sa ating kasaysayan, mga nakaraan na pawang ngayon lamang nangyari at Ito rin ay naghahatid ng aral sa mga kabataan at sa mamamayan.